Magnolia wagi sa columbian
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinikwat ng Magnolia Hotshots ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos diskarilin ang Columbian Dyip, 110-103 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tabla pa sa 52 ang laban papasok ng halftime bago magpakawala ng 33-21 ratsada ang Hotshots sa third quarter upang makapagtayo ng komportableng 85-73 bentahe papasok sa huling quarter na hindi na nila pinakawalan pa.

Kagagaling lang sa 98-88 tagumpay kontra sa NLEX noong Biyernes,  uma-ngat na sa .500 ang Magnolia na may 2-2 kartada na ngayon sa mid-season conference matapos ang maalat na 0-2 simula.

Nanguna para sa Magnolia ang import nitong si James Anthony Farr na may 22 puntos, 11 rebounds, tatlong assists at dalawang steals sa loob ng 25 minutong aksyon lamang.

Sumuporta naman sa kanya sina Ian Sangalang at Paul Lee na umariba rin sa tig-22 puntos.

Muntikang triple double na 17 puntos, 12 rebounds at pitong assists naman ang ambag ni Jio Jalalon sahog pa ang dalawang supalpal para sa balanseng atake ng Hotshots.

Bagama’t may 26 puntos, 16 rebounds at dalawang blocks ang bagong import na si Lester Propher ay kinulang pa rin para sa Dyip na bigong masundan ang 120-105 tagumpay kontra sa NLEX dalawang linggo na ang nakalilipas.

Dahil dito, sadsad sa 1-4 kartada ang Columbian para sa ika-11 na puwesto sa likod lang ng kulelat na NLEX (0-6) papasok sa kalagitnaang bahagi ng import-flavored conference.

Nagtala rin ng 18 puntos, tatlong rebounds at tatlong assists ang top overall pick na si CJ Pe-rez habang may 15 puntos si Glenn Khobuntin sa kabiguan ng Dyip.

MAGNOLIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with