Durant at Irving sa iisang team?
(Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

NEW YORK CITY -- May report na nag-uusap sina forward Kevin Durant at point guard Kyrie Irving para magsama sa isang koponan.

Sinabi ni Ric Bucher ng Bleacher Report sa “The Herd with Colin Cowherd” sa Fox Sports Radio na ang pag-upo ng dalawang basketball superstars ay maaaring mangahulugan na hindi na babalik si Durant sa Golden State Warriors.

Nasa New York si Durant matapos sumailalim sa operasyon ng napunit na Achilles na nalasap niya sa Game Five ng nakaraang NBA Finals series sa pagitan ng Warriors at nagkampeong Toronto Raptors.

“I’m told Kevin Durant is out of the hospital, moved into a hotel for the time being in the New York area, and him and Kyrie have met and have conti-nued to discuss playing together next season. KD has moved all his stuff and will spend his summer in New York,” wika ni Bucher.

“Every indication says KD is making plans to be elsewhere because obviously Kyrie will not be joining the Warriors any time soon,” dagdag pa nito.

Sinasabing plano ni Irving na iwanan ang Boston Celtics sa sandaling maging free agent siya sa Hunyo 30 at isa ang Brooklyn Nets sa maaari niyang puntahan.

Ang Nets ay may isang puwesto para sa isang max contract.

DURANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with