Anthony Davis
Davis makakasama ni LeBron sa Lakers
(Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

NEW ORLEANS — Matapos ang ilang buwan na paghahanap ng trade ay tuluyan nang nagkasundo ang New Orleans Pelicans at ang Los Angeles Lakers.

Pumayag ang Pelicans na dalhin si six-time All-Star Anthony Davis sa Lakers kapalit nina point guard Lonzo Ball, forward Brandon Ingram, shooting guard Josh Hart at tatlong first-round draft choices.

Dahil dito ay tuluyan nang magkakatambal ang 26-anyos na si Davis at ang  34-anyos na si superstar LeBron James sa kampo ng Los Angeles, ang 16-time NBA champions.

Ang NBA Draft first pick overall namang si Zion Williamson ang gagawing superstar ng New Orleans na inaasahang huhugutin si Charlotte Hornets guard Kemba Walker sa free agency market.

Sa kanyang pitong seasons para sa Pelicans ay nagtala ang 6-foot-10 na si Davis, No. 1 overall selection noong 2012 NBA Draft, ang mga averages na 23.7 points, 10.5 rebounds at 2.4 blocks.

Nagposte siya ng mga averages na 25.9 points at 12.0 rebounds sa 56 games sa nakaraang 2018-2019 season.

Dalawang beses lamang niyang naihatid ang koponan sa playoffs.

Napanatili naman ng Lakers sa kanilang tropa si forward Kyle Kuzma, isa sa mga players na nabanggit sa posibleng trade.

Samantala, hihintayin pa ng New Orleans kung makakarekober si Ingram mula sa isang blood clot sa kanan niyang balikat na nagpaupo sa kanya sa kaagahan ng nakaraang season.

Noong Marso ay na-diagnose siyang may deep vein thrombosis.

Naglista naman si Ball ng mga averages na 9.9 points, 5.3 rebounds at 5.4 assists sa 2018-19 habang nagtala si Ingram ng 18.3 points, 5.1 rebounds at 3.0 assists per game sa nakaraang season.

Si Hart, ang first-round pick (30th overall) ng Utah Jazz noong 2017, ay naglista ng mga averages na 7.8 points, 3.7 rebounds at 1.4 assists.

ANTHONY DAVIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with