Preparasyon ni Manny nasa 2nd phase na
Chris Co (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa na si World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion Manny Pacquiao na sumalang sa second phase ng training camp nito sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California kasama si Hall of Famer Freddie Roach.

Ilang oras lamang magpapahinga si Pacquiao at agad itong sasabak sa training.

Maliban sa kaliwa’t kanang sparring session at mitts, sisimulan na rin ng eight-division world champion ang running session sa matatarik na daan ng Griffith Park.

Karaniwan na itong ginagawa ni Pacquiao sa tuwing nasa Amerika ito.

Ayon kay chief trainer Buboy Fernandez, mala-king tulong ito kay Pacquiao para mapabilis ng kanyang footwork.

“Tuwing nasa Los Angeles talaga siya, talagang tumatakbo siya sa Griffith dahil malaki ang tulong nito para sa additional strength,” ani Fernandez.

Preparado na ang katawan ni Pacquiao.

Nasa 80 porsiyento na itong handa.

Kaya naman hindi na masyadong mahihirapan pa ang Pinoy champion sa oras na simulan ang second phase kasama si Roach.

Ngunit marami pang dapat plantsahin para lubos na maging perpekto ang kondisyon ni Pacquiao.

Mahigit isang buwan pa ang nalalabi kaya’t hindi dapat madaliin ang ensayo.

“He’s more than ready (para sa second phase ng training camp). May mga kailangan pang i-polish pero minor na lang. Mas maganda ang kondis-yon niya ngayon kumpara dati,” ani Fernandez.

Ipapagawa ni Roach ang mga estratehiyang gagamitin ni Pacquiao laban kay undefeated American pug Keith Thurman na makakasagupa nito sa unification bout sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

2ND PHASE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with