PetroGazz wagi
Chris Co (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng PetroGazz nang matikas nitong pataubin ang BaliPure, 25-19, 25-22, 25-18, para manatiling malinis ang kanilang record sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe-rence kahapon sa Imus Sports Complex sa Cavite.

Bumida sa pagkakataong ito si American wing spiker Janisa Johnson na kumana ng 17 puntos kabilang ang game-winning hit para manduhan ang Gazz Angels sa pagkopo ng ikapitong sunod na panalo.

“We can’t always be perfect but I mean we’ve been practicing being in tough scenarios where we have to come back from being down,” ani Johnson.

Nagbigay din ng solidong laro si Cuban national team member Wilma Salas na kumana ng 14 markers gayundin si middle hitter Jeanette Panaga na ilang beses ding nakapuntos sa service area.

Matikas ang net defense ng PetroGazz na nakalikom ng pitong blocks laban sa isa lamang ng BaliPure habang naglista rin ang Gazz Angels ng 6-2 edge sa aces.

Wala pa ring panalo ang Purest Water Defenders na bumagsak sa 0-6 marka.

Maganda naman ang inilaro nina BaliPure imports Alexandra Vajdova at Daniela Dzakovic ngunit kapos pa rin ito para dalhin ang kanilang tropa sa unang panalo.

Muling daraan sa matinding pagsubok ang PetroGazz dahil makakasagupa nito ang reigning champion Creamline sa June 22 kung saan pakay ng Gazz Angels na maulit ang kanilang 25-22, 26-24, 25-22 panalo sa first round noong Mayo 26.

 

PETROGAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with