^

PM Sports

San Juan may panlaban

Pang-masa

BACOOR, Philippines — Ginamit ng San Juan-Go For Gold ang kanilang championship experience upang mau-ngusan ang home team Bacoor, 77-76 noong Biyernes ng gabi sa MPBL Season 3 sa Strike Gymnasium dito.

Sinapawan ni Knights guard Mike Ayonayon Finals MVP ng nakaraang season si reigning regular season MVP Gab Banal ng Strikers sa pagkamada ng 22-puntos kabilang ang go-ahead jumper para sa 76-74 kalamangan ng San Juan sa huling 18-segundo ng labanan bukod pa sa kanyang 10-rebounds.

“Hindi mo na talaga maalis sa kanila ‘yung championship experience. Mataas na ‘yung level of expe-rience nila kaya talagang ‘yung character on winning in the endgame, andun parati,” sabi ni San Juan coach Randy Alcantara.

Pagkatapos umiskor ni Ayonayon, maigting na depensa ang ibinigay ng San Juan sa Strikers na nagbunga ng turnover ni Banal na naagawan ng pasa ni Larry Rodriguez, nakakuha ng foul ngunit isa lang ang naipasok niyang free-throw.

Na-foul naman si RJ Ramirez  ni Jeff Tajonera sa triple area at naipasok niya ang unang dalawang freethrow. Nagmintis siya sa ikatlong tira na  tulu-yang nagbigay ng panalo sa  Knights.

Nauna rito, sinamantala ng Bulacan ang panay error ng Cebu para sa come-from-behind 75-71 win.

Pinuwersa ng Kuyas ang Sharks sa apat na turnovers sa stretch tungo sa kanilang panalo.

vuukle comment

SAN JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with