Tinapos na ng Toronto
(Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California -- Hindi na napigilan ang Toronto Raptors sa pag-angkin sa kanilang kauna-unahang NBA crown para tapusin ang kanilang pagkauhaw sa titulo at tapusin ang dinastiya ng Golden State.

Binigo ng Raptors ang Warriors sa Game Six, 114-110 ng NBA Finals sa harap ng mga fans ng two-time defending champions sa kanilang huling laro saOracle Arena.

Tinapos ng Raptors ang kanilang best-of-se-ven championship series ng Warriors sa 4-2.

Kinilala si Kawhi Leonard bilang Finals MVP at nagposte ng 22 points, 6 rebounds, 3 assists, 2 steal at 1 block para sa Toronto.

“Without a doubt, the best thing about this thing is that somehow I wound up on the sideline getting to watch this guy play up close,” wika ni Raptors coach Nick Nurse, nakamit ang una niyang NBA title sa unang season sa liga. “It’s really cool.”

Ang dalawang free throws ni Leonard ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Raptors.

Si guard Kyle Lowry ang namuno sa opensa ng Toronto sa first period bago umalalay sina Fred VanVleet at Pascal Siakam sa second half para tapusin ang panga-rap na ‘three-peat’ ng Golden State.

Humugot si Lowry ng 21 sa kanyang 26 points sa first half at nagdagdag ng 10 assists, 7 boards at 3 steals para sa Toronto.

Nag-ambag naman si VanVleet ng 22 points mula sa bench, habang nagtala si Siakam ng 26 points, 10 rebounds, 3 assists, 1 steal at 1 block.

Sinamantala ng Raptors ang pagkawala ni Warriors guard Klay Thompson sa dulo ng third quarter dahil sa isang knee injury.

Pinamunuan ni Thompson ang Golden State mula sa kanyang 30 points.

Tumapos naman si Stephen Curry na may 21 points ngunit may malam-yang 6-for-17 shooting kasama ang 3-of-11 clip sa three-point line.

Nakatakdang lumipat ang Warriors sa Chase Center sa San Francisco sa susunod na season.

 

TORONTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with