Klay Thompson
Papaano na ang Warriors?
(Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California – Matapos gumuho ang itinayong dinastiya, magiging masalimuot ang off season ng Golden State Warriors.

Sa napipintong free agency para sa kanilang mga key players, paglipat sa San Francisco at dumara-ming teams na nakakahabol na sa kanilang kalibre, marami ang nagtatanong kung ano ang mangyayari sa Golden State.

Ang pinakamala-king tanong ay kung ano mangyayari kay forward Kevin Durant na tumulong sa team na manalo ng dalawang championships.

Napunit ang Achilles ni Durant sa kanyang pagbabalik laro noong Game 5 at sinabi ni coach Steve Kerr noong Lunes na hindi siya makakala-ro sa susunod na season  para mag-recover.

At dahil ‘di matatawaran ang kanyang husay, siguradong marami pa ring teams ang maghahabol sa kanya para magbigay ng long term contract.

Ang New York Knicks at Los Angeles Clippers ay ilan sa mga koponang siguradong gagawa ng hakbang para makuha si Durant.

Kailangan ding gumawa ng paraan ng Warriors para mapanatili si Klay Thompson na malaking bahagi ng kanilang championships noong 2015, 2017 at 2018 na tulad ni Durant ay magiging free agent din ngayong summer.

Ayon sa ESPN report, napunit ang kaliwang ACL ni Thompson matapos ma-foul sa third quarter at ‘di na bumalik matapos magpasok ng dalawang free throws.

Ang recovery ng napunit na ACL ay umaabot ng isang taon na ibig sabihin, mawawala si Thompson sa unang bahagi ng susunod na season.

Matapos ang 47-seasons, iiwan ng Golden State ang Oracle Arena sa Oakland at lilipat sa  Chase Center sa San Francisco na hindi gusto ng maraming diehard Warriors fans.

KLAY THOMPSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with