Unang panalo ng SMB
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tinagay ng San Miguel Beer ang una nitong panalo matapos tambakan ang import-less na  Blackwater, 127-106 sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.

Bumida para sa Beermen ang dating best import na si Charles Rhodes na sinamantala ang hindi pag-lalaro ng Elite reinforcement na si Alex Stepheson dahil sa pananakit ng tiyan, nang umariba ito sa 32 puntos, 19 rebounds at anim na supalpal.

Matapos namang magkasya lang sa average na 9.0 puntos sa unang dalawang talo ng SMB, nagliyab na sa wakas si Marcio Lassiter sa 29 puntos sa pambihirang 9-of-16 shooting mula sa tres sahog pa ang tatlong rebounds at dalawang assists.

Dahil dito ay si Lassiter pa lamang ang ikalimang manlalaro sa kasaysayan ng PBA na nakapagtala ng siyam na tres nang higit sa isang beses kasunod nina Allan Caidic, Kenneth Duremdes, Tanduay import Rob Williams at Renren Ritualo, ayon kay PBA chief statistician Fidel Mangonon.

Kampeon ng katatapos lang na Philippine Cup, ito ang unang tagumpay ng Beermen ngayong mid-season conference matapos yumukod sa unang dalawang laban nito kontra sa Commissioner’s Cup leaders ngayon na NorthPort at TNT na parehong may 5-1 baraha.

“A lot of people akala eh it’s an easy game for us kasi wala silang import. Pero as long as nanalo kami, tatanggapin ko nang maluwag dahil we’re struggling,” ani head coach Leo Austria. “It’s a big win kasi kapag nag-0-3 kami mahirap na umangat mula sa ilalim. Magandang pabaon ito for us heading into the game against Ginebra this Sunday.”

Sa likod nina Lassiter at Rhodes, nakapagtayo pa ng 20 puntos na lamang ang SMB sa unang bahagi ng huling kanto, 81-61, bago nga mag-alsa ang Blackwater sa pangunguna ni Allein Maliksi na nagtarak ng mausok na tres para sa 83-92 pagkakaiwan lamang.

Subalit, nagpakawala ulit ng sunud-sunod na tres si Lassiter sa natitirang bahagi ng laro upang masiguro ang malaking 21-puntos na panalo ng Beermen.

SAN MIGUEL BEER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with