PSL All-Filipino hahataw na ngayon
Chris Co (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Simula na ng matin-ding paluan tampok ang walong koponang mag-aagawan sa korona ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference na hahataw ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Unang sasalang ang F2 Logistics at Generika-Ayala sa alas-2 kasunod ang salpukan ng baguhang Marinerang Pilipina at Sta. Lucia Realty sa alas-4.

Paborito ang Cargo Movers na nakuha ang serbisyo ni Filipino-American Kalei Mau para higit na palakasin ang tsansa nitong mabawi ang All-Filipino crown na huli nilang nahawakan noong 2016.

“We all know the kind of player Kalei is. She is a very good player who can contribute on both ends. I can say that we’re very fortunate to have her on our team and we’re looking forward to win with her,” ani F2 Logistics team manager Hollie Reyes.

Malaking tulong si Mau para makatuwang nina Ara Galang, Aby Maraño, Majoy Baron at Kim Kianna Dy sa attack line.

Malalim ang karanasan ng 6-foot-2 na si Mau na nakapaglaro na rin sa club leagues sa Puerto Rico at France kaya naman mapapalaban ng husto ang Lifesavers.

Pangungunahan ang Generika-Ayala nina veteran players Marivic Meneses, Fiola Ceballos, Angeli Araneta at Patty Orendain habang inaasahang makakatulong din ang bagong recruit na si University of the East ace Mary Anne Mendrez.

“I think our need for additional scorer has been addressed. Our hopes are high this conference and we’ll work hard to make it back to the semifinals,” ani Lifesavers head coach Sherwin Meneses.

Masisilayan sa unang pagkakataon ang Marinerang Pilipina na hahawakan nina Ronald Dulay bilang head coach at Vilet Ponce-de Leon bilang chief assistant.

Ipaparada ng Lady Skippers sina Ivy Remulla, Ers Iratay, Judith Abil, Seth Rodriguez, Caitlin Viray, Chiara Permentilla, Dimdim Pacres, Cesca Racraquin at Nica Guliman.

PSL ALL-FILIPINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with