Creamline magpapatatag sa no. 2 spot
Chris Co (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patatatagin ng nagdedepensang Creamline ang kapit sa No. 2 spot sa pagharap nito sa mapanganib na BanKo Perlas sa pagpapatuloy ng 2019 Premier Volleyball League’s Reinforced Conference na darayo sa University of San Agustin gym sa Iloilo City.

Pagkakataon naman ng mga taga-Iloilo na masilayan ang umaatikabong aksiyon tampok ang bakbakan ng Cool Smashers at Perlas Spikers sa alas-4 ng hapon.

Sa kanilang unang pagtatagpo noong Hunyo 2, naitarak ng Cool Smashers ang 23-25, 25-12, 25-17, 25-23 panalo kung saan pumutok ng husto si Thai import Kuttika Kaewpin na may 27 markers.

Maliban kay Kaewpin, inaasahang magpapasabog din si Open Conference MVP Alyssa Valdez gayundin sina Venezuelan import Aleoscar Blanco, middle hitter Risa Sato at opposite spiker Michele Gumabao.

Solido rin ang kumbinasyon nina playmaker Jia Morado at libero Melissa Gohing para makabuo ng magandang plays sa kanilang spikers.

Hangad naman ng Perlas Spikers na makaba-ngon sa dalawang sunod na kabiguan nito kabilang ang 23-25, 22-25, 25-22, 20-25 pagyuko sa na-ngungunang PetroGazz noong Miyerkules.

Kakaunting oras lamang nasilayan sa aksiyon sa naturang laro sina American Lakia Bright at Turkish Yasemin Yildirim sa dahilang ang koponan lamang ang nakakaalam.

Ngunit inaasahang babawi ang dalawa para maibalik sa porma ang Perlas Spikers na nahulog sa ikaapat na puwesto tangan ang 2-4 baraha.

Makakatuwang ng imports si team captain Nicole Tiamzon na nagpakawala ng 20 hits sa kanilang hu-ling laro gayundin sina Dzi Gervacio, Katherine Bersola, Suzanne Roces at setter Jem Ferrer.

Matapos ang laro sa Iloilo, darayo naman ang liga sa Cavite bukas tampoks ang banggaan ng BaliPure at PetroGazz sa alas-2 at ng Motolite at Pacific Town-Army sa aalas-4 sa Imus Sports Center. 

CREAMLINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with