Alyssa, Kalei nanguna sa national training
Chris Co (Pang-masa) - June 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangunahan nina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez at Filipino-American Kalei Mau ang listahan ng women’s national volleyball team na dumating sa training kahapon sa Arellano University Gym sa Manila.

Sariwa pa ang 6-foot-2 outside hitter na si Mau sa matagumpay na pagpirma ng kontrata sa F2 Logistics na sasabak sa Philippine Superliga All-Filipino Conference na magsisimula sa Sabado.

Inaasahang malaki ang maitutulong ni Mau upang higit na palakasin ang tsansa ng Pinay spikers na makapasok sa Top 3 ng 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Pilipinas.

Maliban kina Mau at Valdez, dumating din sina Jia Morado, Jema Galanza at Celine Domingo ng reigning Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference champion Creamline.

Nasilayan din sina Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas at Ces Molina ng Petron, Mylene Paat ng Cignal HD Spikers, Aby Marano and Majoy Baron ng F2 Logistics at si UAAP Season 81 Rookie of the Year Eya Laure na lalaro sa Foton Tornadoes.

Hindi nakadalo sa training ang iba pang miyembro ng pool gaya nina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat gayundin sina Dawn Macandili, Denden Lazaro, Diana Mae Carlos, Kath Arado, Gel Cayuna, Jerili Malabanan, Alohi Robins-Hardy at MJ Phillips.

Pinangasiwaan nina national team assistant coaches Kungfu Reyes at Brian Esquibel ang training dahil wala sa bansa si head coach Shaq Delos Santos.

Pakay ng women’s team na makabalik sa podium matapos mabigong makasungkit ng medalya sa hu-ling anim na edisyon ng SEA Games.

Huling nakapasok sa Top 3 ang Pilipinas noong 2005 edisyon na ginanap sa Bacolod City kung saan nasungkit ng Pinay spikers ang bronze medal.

ALYSSA VALDEZ KALEI MAU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with