PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez
Pagkakaisa hiling ni Ramirez para sa tagumpay sa 2019 SEAG
(Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala si Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez na kung may pag­kakaisa ay makakamit ng bansa ang overall championship ng 30th Southeast Asian Games.

Inihayag ito ni Ramirez sa harap ng higit sa 150 na­tional coaches na kanyang pinulong kamakalawa sa PhilSports Complex sa Pasig City.

“If we are united, we can produce miracle in the Southeast Asian Games,” wika ni Ramirez.

Nauna nang nakipagpulong ang PSC chief sa mga National Sports Associations kasama sina Phi­lippine Olympic Committee President Ricky Vargas and Philippine Southeast Asian Games Orga­nizing Committee Chairman at Congressman-elect Alan Peter Cayetano noong Hunyo 4 sa PICC.

Binuksan ni Ramirez ang pakikipag-usap sa mga national coaches mula sa 58 sports para mag­daos ng assessment at evaluation kaugnay sa estado ng paghahanda ng Team Philippines para sa 2019 SEA Games na idaraos sa Nobyembre.

Pinuri rin ni Ramirez, ang Chef De Mission, ang suporta ng mga coaches at trainers sa pagsasa­nay na ginagawa ng mga national athletes.

“The greatest job of a coach is to inspire the champion in an athlete,” ani Ramirez.

Dumalo rin sa pulong sina PSC Commissioners Ar­nold Agustin, Ramon Fernandez, Celia Kiram Charles Maxey at Chief of Staff Marc Velasco.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with