Shanti Dope, KZ Tandi­ngan
Shanti nakabawi na sa kontrobersiya!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - June 11, 2019 - 12:00am

Nakabawi si Shanti Dope sa collaboration nila ni KZ Tandi­ngan na Imposible na ini-release ng Universal Records dahil sa magagandang review na natanggap nito.

Marami naman ang natuwa dahil kamakailan lang ay nalagay sa hotseat ang rapper dahil sa kontrobersyal nitong kanta na Amatz na para sa PDEA ay nagpo-promote diumano ng drugs.

Binigyan ni Shanti ng magandang flavor ang nasabing kanta, kaya deserve talaga niya na mapansin ang sariling talent.

Ang husay ng daloy ng kanta, para ito sa mga taong nagpapakamartir at nato-toxic na sa isang relasyon.

Samantala, bumanat na naman ng matindi si KZ na mula sa lyrics hanggang sa tono ng kanyang boses, imposibleng hindi ka ma-LSS.

Panay ang hirit ng fans na gawing judge si KZ sa The Voice Ph. o kaya sa susunod na season ng Idol Ph. para nga naman maghasik ng good vibes ang kanilang idolo.

KZ TANDI­NGAN SHANTI DOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with