^
Kalusugan ni Manny binabantayan

Kalusugan ni Manny binabantayan

Chris Co (Pang-masa) - June 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bantay-sarado ang kalusugan at pangangatawan ni eight-division world champion Manny Pacquiao para matiyak na walang magiging aberya ang paghahanda nito laban kay Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ito ay matapos bahagyang sumakit ang hita ng Pinoy champion habang nasa kanyang training camp sa Elorde Boxing Gym sa Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Ngunit tiniyak naman ni strength and conditioning guru Justin Fortune na walang dapat ipangamba dahil mabilis naman itong nasolusyunan ng Team Pacquiao.

“It’s just a soft strain in his leg. I just want him to take care of it and I want him to be careful, so we just rested for one day and everything is fine now. It’s not cramps, we already fixed cramps by drinking water,” wika ni Fortune.

Sumasailalim sa matinding pagsasanay si Pacquiao para masiguro na nasa perpektong kundisyon ito bago ang unification bout.

Itinaas na sa anim na rounds ang sparring session nito kasabay ang apat na rounds sa mitts.

Pinag-aaralan pa ng coaching staff kung iaangat pa ito sa walong rounds ng sparring base sa kundisyon ni Pacquiao.

“We will see how Manny’s body will respond. If he’s okay, the plan pushes through,” ani Fortune.

Maliban sa sparring at mitts, may siyam na rounds ito sa heavy bag gayundin sa double end, speed ball at shadow boxing.

Walang nakikitang problema si chief trainer Buboy Fernandez.

Natanggal na aniya ang mga kalawang at suwabeng-suwabe na ang pangangatawan ni Pacquiao.

“No problem, really. First, we removed the rust brought about by almost five weeks of boxing activities since Manny Last fought last January,” wika ni Fernandez.

Target ni Fortune na makuha ang magandang kondisyon ng pangangatawan ni Pacquiao bago tumulak sa Hunyo 15 sa Los Angeles, California.

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with