Eya Laure kinuha ng Foton sa PSL
Chris Co (Pang-masa) - June 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinuha ng two-time Grand Prix champion Foton ang serbisyo ni UAAP Rookie of the Year Eya Laure para sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference na magsisimula sa Hunyo 15.

Muling magkakasama ang Laure sisters na sina Eya at EJ dahil nauna nang nagdesisyon ang huli na magbalik-aksiyon matapos ang dalawang taong pahinga bunsod ng shoulder injury.

Malaking tulong si Eya na kayang makapagbigay ng double digits kada laro.

Isa si Laure sa top scorers sa nakalipas na UAAP Season 81 kung saan tinulungan nitong makaabot ang University of Santo Tomas sa finals.

Subalit kinapos ang Tigresses matapos yumuko sa Ateneo de Manila University sa best-of-three championship series, 1-2.

Nagtamo si Eya ng sprain sa serye.

Ngunit tiniyak nitong nasa perpektong kundis-yon na ang kanyang katawan at handang-handa na itong makipagsabayan sa matitikas na koponan sa PSL.

Maliban kina Eya at EJ, madaragdag din sa Tornadoes sina Justin Dorog at Marianne Buitre ng University of the Philippines at Lai Bendong ng University of the East.

Sa pagpasok ng ilang key players sa koponan, itinuturing na isa ang Foton sa mga title contenders sa kumperensiyang ito.

Nariyan sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat na parehong naglaro sa commercial league sa Japan.

Malaki ang improvement ni Santiago na nasilayan nang maglaro ito sa huling bahagi ng Grand Prix conference.

Kasama rin sa Tornadoes sina holdovers Maika Ortiz, Mina Aganon, Shaya Adorador, Jen Reyes, Elaine Kasilag, CJ Rosario, Ivy Perez, Gyselle Sy, Iumi Yongco at Arianne Layug.

EYA LAURE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with