Parks bumawi
Russell Cadayona (Pang-masa) - June 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos malimitahan sa 16 points sa kanilang panalo laban sa Rain or Shine noong nakaraang Linggo ay humataw si No. 2 overall pick Ray Ray Parks, Jr. ng bagong career-high na 29 markers.

Kasabay nito ay ang 132-106 paggupo ng Blackwater laban sa NLEX para masolo ang pangunguna sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ito ang pangalawang dikit na ratsada ng Elite para ilista ang 5-1 record, habang nahulog ang Road Warriors sa 0-5.

“We don’t want to be too much in cloud nine for the wins that we have,” sabi ni coach Aris Dimaunahan, nakahugot kay import Alex Stepheson ng 21 points, 1 rebounds at 5 assists.

Nanggaling ang Blackwater sa 98-92 panalo laban sa Rain or Shine matapos mamantsahan ng Phoenix ang dati nilang malinis na 3-0 baraha.

Sa first quarter ay iniwanan ng Elite ang Road Warriors, muling naglaro na wala si head coach Yeng Guiao na magbabalik sa susunod na linggo matapos ang cruise vacation sa Europe kasama ang kanyang pamilya, sa 33-19 patungo sa pagbitbit sa 16-point lead, 45-29, sa pagsisimula ng second period.

Dahil sa depensa ay naitabla ng NLEX ang laro sa 63-63 sa third canto bago muling nakalayo ang Blackwater sa 97-80 sa pagsisimula ng fourth.

Ang split ni Stepheson ang nagbigay sa Elite ng 113-96 bentahe sa huling 5:49 minuto ng bakbakan.

Umiskor din si Allein Maliksi ng 21 points kasunod ang 14 at 11 markers nina Mac Belo at Mike Digregorio, ayon sa pagkakasunod.

 

 

PARKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with