Nasa larawan sina Klay Thompson ng Golden State at Kyle Lowry ng Toronto.
Klay Thompson sasalang na
(Pang-masa) - June 8, 2019 - 12:00am

OAKLAND, Calif. — Alam ng lahat ang abilidad ni Klay Thompson na mag-init sa opensa.

Ngunit sa kanyang pagbabalik, ang mahigpit na depensa ni Thompson ang maaaring maging susi sa pagtabla ng Golden State Warriors sa Toronto Raptors sa Game Four ng NBA Finals.

“We can’t fall into the trap of thinking offense alone is going to win us another championship or letting that end of the floor affect our defense,” sabi ni Stephen Curry na umiskor ng postseason career-best na 47 points sa 109-123 kabiguan ng Warriors sa Game Three noong Miyerkules na nagbigay sa Raptors ng 2-1 bentahe sa serye.

Nakatakdang bumalik sa aksyon si Thompson, hindi nakita sa Game Three dahil sa kanyang strained left hamstring, habang posibleng maupo muli si Kevin Durant, may strained right calf.

Sa pagkamada nina Kawhi Leonard, Kyle Lowry at Danny Green para sa Raptors sa Game Three bilang sagot sa mga tira ni Curry, ang depensa ni Thompson ang magiging sandata ng two-time defending champions.

“People fall in love with his shooting and how hot he can get on the offensive end, but the way that our team plays defensively and the chemistry that we have and the experience, he’s right at the forefront of that,” ani Curry kay Thompson.

Nagulat din ang Toronto nang hindi maglaro si Thompson sa Game Three.

Pinaghandaan ng Raptors si Thompson sa kanilang locker room bago ang game time.

Ang pag-upo ni Thompson ay naging key advantage ng Toronto na nakakuha ng double fi-gures sa lima nilang starters at pumuwersa naman kay Curry na dalhin sa kanyang mga balikat ang Golden State.

“He’s a great defender. I think he’s one of the best, right up there at the top of the best wing defenders in the league,” sabi ni Raptors coach Nick Nurse kay Thompson. “He’s probably underrated in that department. He really puts in some awesome defensive performances for them, especially when they really need them.”

Ang Game Five ay muling dadalhin sa Toronto.

 

KLAY THOMPSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with