Naninibago si Steve Kerr
(Pang-masa) - June 2, 2019 - 12:00am

 

TORONTO — Nakita na halos lahat ni Steve Kerr sa kanyang matagumpay na limang taon bilang head coach ng Golden State Warriors.

Ngunit bago ito para sa kanya.

Sa unang pagkakataon ay nahaharap sa 0-1 deficit si Kerr at ang Warriors sa NBA Finals.

Nauna na silang naghabol sa serye, naharap sa mahirap na sitwasyon subalit ito ang pinakabagong ha-mon para sa isang prangkisa na hangad mapasama sa maiksing listahan ng mga nanalo ng tatlong sunod na NBA championships.

“The experience helps,” wika ni Kerr isang araw matapos silang talunin ng Raptors sa Game One. “Winning multiple championships helps because you have seen it all. There’s also just the knowledge that you’ve been here before. You’ve been down. We have been up 3-1 and lost a series. We have been down 3-1 and won a series. Everything in between. So nothing is going to catch these guys off-guard.”

Sa kabila ng kabiguan ay kumpiyansa pa rin ang Golden State dahil alam nilang pangit ang inilaro nila at natalo lamang ng siyam na puntos laban sa Toronto.

Naghabol man sa halos kabuuan ng laro ay nanatili namang nakadikit ang Warriors sa Raptors.

“No matter what, our sights were coming in that it’s a long series,” sabi ni Golden State star Stephen Curry. “And Game Two is an opportunity for us to right the wrongs and get a big win and go back home.”

Bagama’t ang mga nanalo sa Game One ang tuluyan nang nagkampeon ay hindi pa rin mahirap para sa Warriors na makatabla sa serye nila ng Raptors.

Sapul nang gamitin ng NBA ang 16-team format para sa 1984 postseason, ang mga Game One winners ang palaging naghahari.

Sa Lunes (Manila time) ay susubukan ng Golden State na makatabla sa Toronto sa Game Two.

Huling natalo ang Warriors sa Game One ay noong 2016 Western Conference finals laban kay Kevin Durant at sa Oklahoma City Thunder.

STEVE KERR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with