Nakatikim ng talo si Parks
Russell Cadayona (Pang-masa) - June 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nalasap ni No. 2 overall pick Ray Ray Parks, Jr. at ng Blackwater ang kauna-unahan nilang kabiguan matapos magtayo ng 3-0 kartada.

Sa pangunguna ni Matthew Wright ay humataw ang Phoenix Fuel Masters sa third period para patumbahin ang Elite, 103-98 sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Tumapos si Wright na may 22 points, tampok ang apat na three-point shots sa third quarter, bukod pa ang 7 rebounds at 6 assists para sa 1-0 record ng Phoenix.

Humakot naman si import Robert Dozier ng 18 points, 16 rebounds at 4 blocks para sa muli niyang paglalaro kasama sina Calvin Abueva at coach Louie Alas.

“Looking at the stats, lahat ng gusto kong mangyari, nangyari except sa turnover points,” wika ni Alas.

Nagtabla ang dala-wang koponan sa halftime, 41-41, bago kumamada si Wright para ibigay sa Fuel Masters ang 80-71 abante sa pagtiklop ng third quarter.

Tuluyan nang nalubog ang Elite sa 19-point deficit, 74-93, mula sa basket ni Dozier sa 7:59 minuto ng final canto.

Ngunit sa pinaka-walang 19-3 atake nina Parks, import Alex Stepheson at Mac Belo ay nakadikit ang Blackwater sa Phoenix sa 91-97 sa 3:10 minuto ng labanan hanggang makalapit sa 98-100 sa natitirang 11 segundo.

Makaraan ang free throw ni RJ Jazul na nag-layo sa Fuel Masters sa 101-98 ay nagkaroon naman ng turnover ang Elite sa kanilang inbound play.

Tuluyan nang sinel-yuhan ni Wright ang panalo ng Phoenix mula sa kanyang dalawang free throws sa huling 2.3 segundo.

PARKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with