Pacquiao nilaglag ni Bob Arum
Chris Co (Pang-masa) - May 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malalim ang pinagsamahan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Top Rank chief Bob Arum dahil mahigit isang dekada rin itong magkasama sa mundo ng boksing.

Ngunit nagbago ang ihip ng hangin matapos ihayag ni Arum ang prediksyon nitong tatalunin ni undefeated American boxer Keith Thurman si Pacquiao sa kanilang nakatakdang salpukan sa Hulyo 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Magugunitang kumalas ang Pinoy champion sa Top Rank at hinawakan ng MP Promotions ang kanyang mga laban. Kalaunan ay nakipagsanib-puwersa ang MP Promotions sa Premier Boxing Champions.

Tila hindi pa rin ito matanggap ni Arum kaya’t usap-usapan na may halong bitterness ang kanyang prediksiyon.

Matanda na aniya si Pacquiao at hindi ito ang pinakamalaking pangalan sa mundo.

“Manny Pacquiao is 40-years-old, and when you get to that age, you’re not the same fighter as you were 30-years-old, early 30s or mid-30s. Pacquiao, he fought so many fights for us [Top Rank Boxing]; he’s always been a gutty guy, but he’s not the biggest guy in the world,” ani Arum sa panayam ng J Calderon Boxing Talk.

Kung mailalabas aniya ni Thurman ang lakas nito gaya ng kanyang mga nakalipas na laban may dalawang taon na ang nakalilipas, wala ani-yang tsansa si Pacquiao na manalo sa laban.

“I think Thurman is going to benefit from the fight that he had [against Josesito Lopez on January 26]. He was off two years. He didn’t look too good with Lopez, but I think he’s much better than that. If Thurman fights the way he had been, then I don’t think Pacquiao will have much of a chance,” ani Arum. 

BOB ARUM MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with