^

PM Sports

Creamline hangad ang unang panalo

Chris Co - Pang-masa
Creamline hangad ang unang panalo
Si volleyball star Alyssa Valdez sa isang laro ng Creamline Cool Smashers.

MANILA, Philippines — Asahan ang matin­ding paluan tampok ang mga mahuhusay na volleyball players sa bansa sa pagsambulat ng 2019 Premier Volley­ball League (PVL) Re­in­forced Conference nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Nakasentro ang atensyon sa reigning champion na Creamline na sisimulan ang pag­dedepen­sa sa korona ni­la la­ban sa Petro­Gazz sa alas-4 ng ha­pon.

Magpapang-abot naman ang Pacific Town-Philippine Army at BaliPure Water Defenders sa alas-2.

Mamanduhan ang atake ng Cool Sma­shers ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez ka­sama ang dalawang mahuhusay na imports na si­na Kuttika Kaewpin ng Thailand at Aleoscar Blanco ng Venezuela.

“Iyong chemistry ng team hopefully nandoon na kasi since March pa nandito sa Pilipinas ‘yung imports namin. We’ve been practicing for months now. Every team is a contender. Talagang competitive ang mga teams ngayon,” ani Valdez.

Magbibigay ng solidong suporta sina oppo­site hitter Michele Gu­ma­bao, middle blockers Risa Sato at Celine Do­mingo at sina playma­ker Jia Morado at libero Melissa Gohing para ma­kuha ang pambuena­manong panalo ng tropa.

Hindi naman pahu­hu­li ang Gazz Angels na magpaparada ng matitikas na imports sa ngalan nina Wilma Salas ng Cuba at Janisa Ivette Johnson ng Amerika.

Ito ang ikalawang su­nod na taon ni Johnson sa liga kaya’t sanay na ito sa sistema ng laro sa Pilipinas.

Dati siyang naging import ng BaliPure.

Makakasama nina Johnson at Salas sina Pa­neng Mercado, Jeanette Panaga, Chie Saet, Cherry Rose Nunag, Cai Nepomuceno at Rachel Anne Austero.

Sabik na rin ang La­dy Troopers na magbalik-aksyon sa PVL.

Papalo para sa Army sina dating MVP Jovelyn Gonzaga, Honey Royse Tubino, Nene Bautista, Mary Jean Bal­se, Lutgarda Malaluan at Christine Agno.

Tatapatan sila ng Ba­li­Pure sa pamumuno ni­­­na imports Da­nijela Dza­kovic ng Mon­te­negro at Slovakian Alexandra Vaj­dova ka­sa­ma sina local aces Roselyn Doria, Ivy Lac­si­na, Princess Robles, Audrey Paran at Jen­ni­fer Nierva.

vuukle comment

CREAMLINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with