NLEX sasandal uli kay Mitchell
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ipaparada ng NLEX ang original import nitong si Tony Mitchell sa pakikipagsagupa nito kontra sa NorthPort ngayon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Papalitan ni Mitchell si Curtis Washington na kinuha ng Road Warriors bilang replacement import habang wala pa ang naturang original import sa unang salang nila sa mid-season conference nitong Miyerkules.

Inanunsyo ng koponan ang naturang development kahapon sa kanilang social media account matapos makarating  sa wakas sa bansa si Mitchell at makapagpaliwanag sa dahilan ng kanyang late arrival.

“Tony Mitchell was our original choice anyway. Curtis came in as a replacement,” ani NLEX coach Yeng Guiao. “When Tony became available, and he was already in the country, we decided to pursue our original plan.”

Magugunitang noong nakaraang buwan pa lamang ay inanunsyo na ng NLEX na ang dating Star (Magnolia ngayon) import na si Mitchell nga ang kanilang import bago magkaroon ng last minute replacement sa katauhan ni Washington.

Maganda ang naging performance ni Washington sa debut niya kontra sa Talk ‘N Text sa naibuhos na 18 puntos at 16 rebounds bagama’t natalo ang Road Warriors, 91-102.

Subalit para kay Guiao, mas swak sa kanila ang 6’8 na si Mitchell lalo’t pamilyar na ito sa PBA style of play.

“We feel he’s a better fit. He’s played here in the Philippines before. He knows the style and knows the people so the adjustment period is very short,” dagdag ni Guiao.

Sa kabila naman ng mabilis na pagpapalit ng import, pinasalamatan pa rin ni Guiao si Washington na napagbigyan ang Road Warriors sa short notice lamang bilang replacement import.

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with