^

PM Sports

Ika-2 panalo asam ng Blackwater

Russell Cadayona - Pang-masa
Ika-2 panalo asam ng Blackwater
Bobby Ray Parks

MANILA, Philippines – Pupuntiryahin ng Blackwater ang kanilang ikalawang sunod na panalo para sa solong liderato habang sisimulan ng Barangay Ginebra ang pagdedepensa sa korona.

Maghaharap ang Elite at Gin Kings ngayong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng Meralco at Columbian sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Pinatumba ng Blackwater ang Meralco sa overtime, 94-91 na tinampukan ng 20 points, 8 rebounds, 3 steals at 2 assists ni No. 2 overall pick Bobby Ray Parks.

Kumolekta naman si import Alex Stepheson ng 31 boards 21 markers, samantalang umiskor din ng 21 points si Mike Digregorio para sa debut win ni coach Aris Dimaunahan.

Makakatapat ni Parks si one-time PBA Best Import Justin Brownlee ng Gin Kings na naging kakampi niya para sa Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

“They have a lot of great players, height, diversity, well-coached. It’s going to be a great challenge,” sabi ng anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks sa Ginebra.

Noong nakaraang taon ay tinalo ni Brownlee at ng Gin Kings si Renaldo Balkman at ang San Miguel Beermen sa Finals para agawin sa huli ang titulo ng PBA Commissioner’s Cup.

Bukod kay Brownlee, muling ipaparada ng Ginebra sina LA Tenorio, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Joe Devance at Scottie Thompson.

Sa unang laro, mag-uunahan namang makabangon mula sa kabiguan ang Bolts at Dyip.

Nakalasap ang Meralco ng 91-94 overtime loss sa Blackwater habang nakatikim ang Columbian ng 98-111 pagkatalo sa Alaska.

vuukle comment

BOBBY RAY PARKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with