Patrick Aquino
NU cagebelles pararangalan
Chris Co (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

2019 Chooks-to-Go Collegiate Press Corps Awards

MANILA, Philippines — Gagawaran ang National University women’s basketball team ng Award of Excellence sa 2019 Chooks-to-Go Collegiate Press Corps Awards na idaraos sa Lunes sa Amelie Hotel Manila sa Malate, Manila.

Nakumpleto ng Lady Bulldogs ni coach Patrick Aquino ang five-peat habang nananatiling malinis ang rekord nito tangan ang impresibong 80-0 baraha - ang longest winning streak sa collegiate sports.

Naisakatuparan ito ng NU Lady Bulldogs, sa pangunguna nina senior guard Ria Nabalan katulong sina forward Jack Animam, Congolese center Rhena Itesi at wingers Monique del Carmen at Kaye Pingol na siyang pangunahing tatanggap ng pagkilala.

Ito ang ikalawang pagkakataon na magbibigay ang Collegiate Press Corps ng pagkilala sa women’s division matapos ilatag ang parehong parangal kay Afril Bernardino ng NU noong nakaraang taon.

Kasama rin sa kikilalanin sina Ateneo ace Angelo Kouame at San Beda’ star Javee Mocon bilang Pivotal Players habang sina Lyceum’s CJ Perez at Adamson’s Sean Manganti ang Impact Players.

Ang Ivorian na si Kouame ang Rookie of the Year at naging bahagi ng Blue Eagles na nasikwat ang back-to-back UAAP titles.

Malaking tulong naman si Mocon para masungkit ng Red Lions ang three-peat para tangha-ling Finals MVP.

Instrumento si Perez para makapaglayag ang Pirates sa dalawang Finals appearances habang si Manganti ang naging katuwang ng Soaring Falcons sa kanilang Final Four run ngayong season.

BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with