Itinabla ng Raptors
(Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

TORONTO - Humataw si point guard Kyle Lowry ng 25 points, kasama ang 18 sa first half, para akayin ang Raptors sa 120-102 pagbugbog sa Milwaukee Bucks sa Game Four at itabla sa 2-2 ang kanilang Eastern Conference championship series.

Nakatakda ang Game Five ng kanilang best-of-seven series sa Huwebes sa Milwaukee.

Nagtala si star forward Kawhi Leonard, may iniindang left leg injury, ng 19 points at 7 rebounds para sa Toronto, nakabangon mula sa 0-2 pagkakahulog sa kanilang duwelo ng Milwaukee.

“This was one of the nights that we knew Kawhi was a little bit limited and we had to come out and be aggressive for him,” sabi ni Lowry kay Leonard.

Hindi naman pinansin ng star forward ang kanyang mga nararamdaman sa katawan.

“I feel good,” giit ni Leonard sa mga katanungan sa kanyang kondisyon.

“I’m going to keep going and keep fighting. We have a chance to make history.”

Tumipa si guard Norman Powell ng 18 points mula sa bench, habang kumolekta sina Serge Ibaka at Marc Gasol at Fred VanVleet ng tig-17 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod.

Humakot din si Ibaka ng 13 rebounds para sa Raptors.

Kumamada naman si Khris Middleton ng 30 points, 6 rebounds at 7 assists sa panig ng Bucks, nakahugot kay superstar Giannis Antetokounmpo ng 25 points at 10 rebounds.

Nagtala ang Toronto ng 16-point lead sa third quarter at nagbitbit ng 13-point margin, 94-81, papasok sa fourth period para iwanan ang Milwaukee.

Ang three-point shot ni VanVleet kasunod ang split ni Ibaka at basket ni Powell ang nagbigay sa Raptors ng 20-point advantage sa 8:35 minuto ng bakbakan bago ito naputol ng Bucks sa 14-point deficit.

“This is probably the first night defensively where I don’t feel like we were close to where you need to be,” wika ni Milwaukee coach Mike Budenholzer. “We got punched. They played really well.”

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with