Gilas Lady Cagers nagtala ng kasaysayan
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magkataliwas na tadhana ang nalasap ng men’s at women’s 3x3 squads ng Gilas Pilipinas 2019 FIBA Asia Cup na unang araw na ginaganap sa Changsha, China.

Matapos kasing magtala ng pambihirang kasaysayan ang Gilas Pilipinas women’s 3x3 team, nahila naman sa bingit ng eliminasyon ang men’s counterpart nito sa unang araw ng FIBA-sanctioned 3x3 tournament para sa pinakamagagaling na nasyon sa Asya.

Sa likod nina Afril Bernardino, Clare Castro, Janine Pontejos at Jack Animam, umiskor ng malaking 21-1 panalo ang Gilas Pilipinas women para sa maugong na debut sa FIBA 3x3 Asia Cup.

Ito ang pinakamalaking panalo ng kahit anong koponan sa kasaysayan ng FIBA 3x3.

Nanguna sa Filipina cagers si Bernardino na may walong puntos habang may limang puntos naman ang FIBA 3x3 World Cup Shootout champion na si Pontejos kabilang na ang pampanalong long bomb para sa 21-1 panalo, 2:30 pa sa orasan.

Tanging si Carolett Autufuga lamang nakaiskor para sa Samoans.

Dahil dito, umangat sa 1-0 ang Gilas Pilipinas women sa Qualifying Pool A at may laro pa kontra sa Chinese Taipei kinagabihan habang isinusulat ang ulat na ito.

Kabaliktaran naman ang natamo ng Gilas Pilipinas men’s 3x3 team na yumukod kontra sa Thailand, 11-14 at kontra sa Qatar, 17-21.

Unang lumuhod ang Nationals kontra sa Thailand na siyang unang Southeast Asian team na nakatalo sa Pilipinas sa 3x3 basketball.

Sa naturang laro ay nadale ng right ankle injury ang star na si Ricci Rivero na siyang lubusang ininda ng koponan na binubuo din nina RJ Abarrientos, Rhayyan Amsali at Barkley Ebonia.

Bagama’t hindi pa rin nakalaro kontra sa Qatar, hindi agad sumuko ang Pinas sa likod ni Abarrientos na may 12 puntos bago nga kapusin ang koponan sa dulo tungo sa dikit na 17-21 kabiguan.

Dahil dito, mamartsa sa ikalawang araw ang Gilas men’s 3x3 team na delikado na ang tsansang makapasok sa playoffs hawak ang 0-2 baraha sa Qualifying Draw A.

Haharapin ng Filipino 3x3 players ang mas ma-lakas na Iran ngayong alas-10:50 ng umaga.

2019 FIBA ASIA CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with