Robert Bolick, Thirdy Ravena
Chooks-To-Go Collegiate Awards gagawin sa May 27
Chris Co (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pararangalan ang pinakamahuhusay na collegiate players sa bansa sa gaganaping 2019 Chooks-to-Go Collegiate Press Corps Awards sa Mayo 27 sa Amelie Hotel Manila sa Malate, Manila.

Nangunguna sa mga gagawaran ng pagkilala ang NCAA Season 94 men’s basketball champion San Beda University at UAAP Season 81 men’s basketball titlist  Ateneo de Manila University na tunay na nagpasiklab sa kani-kaniyang collegiate leagues.

Ito ang ikatlong sunod na NCAA crown ng SBC Red Lions.

Malaking tulong ang pagsisikap nina Robert Bolick at Javee Mocon para maisakatuparan ng San Beda ang three-peat.

Matikas ang Red Lions dahil kumubra ito ng 11 titulo sa nakalipas na 13 taon.

Sa kabilang banda, matayog ang lipad ng Blue Eagles na dinagit ang ikalawang sunod na korona sa UAAP.

Bumandera sa ratsada ng Ateneo sina Thirdy Ra-vena, Matt Nieto at Isaac Go upang pigilan ang Cinderella run ng University of the Philippines sa finals.

Maliban sa pagkilala sa San Beda at Ateneo, kikilalanin din ang husay ng iba pang personalidad gaya ng mga breakout performers at Coaches of the Year.

Papangalanan ang Collegiate Mythical Team at ang Player of the Year.

ROBERT BOLICK THIRDY RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with