Warriors pasok sa Finals
(Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

PORTLAND, Oregon – Nagbalik ang Golden State Warriors sa NBA Finals matapos sibakin ang Trail Blazers via overtime, 119-117 sa Game Four ng Western Conference championship series.

Bumangon ang Golden State mula sa 17-point deficit, 78-95 kontra sa Portland sa dulo ng third period para umabante sa kanilang pang-limang dikit na NBA Finals na dumuplika sa nagawa ng Boston Celtics noong 1957-66.

Lalabanan ng two-time defending champions ang mananalo sa pagitan ng Milwaukee Bucks at Toronto Raptors sa NBA championship series.

Bitbit ng Bucks ang 2-1 bentahe sa kanilang Eastern Conference title series ng Raptors.

Tuluyan nang winalis ng Golden State, naglaro nang wala sina Andre Iguodala, Kevin Durant at DeMarcus Cousins, ang Portland, 4-0 sa kanilang best-of-seven titular showdown.

Kumolekta si Stephen Curry ng 37 points, 13 rebounds at 11 assists para sa kanyang triple-double na dinuplika ni Draymond Green na nagtala ng 18 markers, 14 boards at 11 assists para sa Warriors, dumiretso sa kanilang ikaanim na sunod na panalo at ika-10 dikit na playoff game laban sa Trail Blazers.

Ang triple-doubles nina Curry at Green ang kauna-unahan para sa dalawang teammates sa NBA postseason history.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 17 points kasunod ang tig-12 markers nina Alfonzo McKinnie at Kevon Looney para sa Golden State.

Ang three-point shot ni Green sa harap ng Blazers bench ang nagbigay sa Warriors ng 119-115 bentahe sa huling 39.6 segundo sa overtime.

Nakadikit ang Portland sa 117-119 agwat sa natitirang 32.8 segundo mula sa driving hoop ni Damian Lillard kasunod ang mintis ni Curry sa panig ng Golden State.

Sa natitirang 2.5 segundo ay nabigo naman si Lillard na maipasok ang kanyang 3-point attempt dahil sa depensa ni Thompson.

Tumapos si Meyers Leonard na may career-best 30 points, habang may 28 at 26 markers sina Lillard at CJ McCollum, ayon sa pagkakasunod para sa Trail Blazers.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with