Pinag-aaralan na ni Ancajas si Estrada
Chris Co (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ngayon pa lang, pinag-aaralan na ni International Boxing Federation super flyweight champion Jerwin Ancajas ang estilo ni World Boxing Council super flyweight titlist Juan Francisco Estrada ng Mexico.

May nakikita si trainer Joven Jimenez na ilang bentahe ni Ancajas laban kay Estrada.

Mas matangkad at mas malaki si Ancajas kumpara sa Mexican pug.

May taas na 5-foot-6 si Ancajas laban sa 5-foot-4 na si Estrada.

“Jerwin is taller and bigger, and that’s our advantages. He (Estrada) just wants to fight other champion like Jerwin and I think we have a good shot against him,” ani Jimenez.

Ngunit ayaw maging kampante ng kampo ni Ancajas.

Mas matinding pagsasanay ang gagawin ng Pinoy champion upang lubos na maging handa para sa itinuturing nitong pinakamalaking laban sa kanyang boxing career.

At naniniwala si Ancajas na ka-yang-kaya nitong talunin si Estrada.

“Si Estrada ‘yung pinakamalakas na makakalaban ko so far. Pero tiwala ako na mananalo ako,” ani Ancajas.

Nauna nang hinamon ni Estrada si Ancajas na agad namang tinugunan ng Panabo City, Davao del Norte bet ng positibong sagot.

“Masaya ako dahil kinikilala nila ako na world champion. Dati pinapanood ko lang ang mga laban niya pero ngayon isa na ako sa mga tsina-challenge nila,” dagdag ni Ancajas.

Galing si Estrada sa matagumpay na paghubad sa korona ni Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand sa pamamagitan ng unanimous decision win.

Kaya naman sabik na rin si Ancajas na makaharap si Estrada sa iba-baw ng ring.

“Gusto ko talagang labanan siya,” ani Ancajas.

Sariwa pa si Ancajas sa matikas na seventh round knockout win kontra kay mandatory Japanese challenger Ryuichi Funai noong Mayo 4 (Mayo 5 sa Maynila) sa Stockton, California.

Pinaplantsa na ang laban nina Ancajas at Estrada na posibleng idaos sa Setyembre.

JERWIN ANCAJAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with