Gilas 3x3 team bibiyahe patungong Changsa, China
Francisco Cagape (Pang-masa) - May 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pangungunahan ni col­legiate star Ricci Ri­vero ang Gilas Pilipinas 3x3 team na sasabak sa FIBA 3x3 Asia Cup sa Changsha, China.

Nakatakdang magtu­ngo sa Changsa nga­yong araw sina Rivero, RJ Abarrientos, Rha­yann Amsali at Barkley Ebona.

Sila ay rerendahan ni head coach Ronnie Magsanoc.

Magbabalik ang 21-anyos na si Rivero sa 3x3 scene kasama sina Amsali at Abarrientos ma­tapos ang kanilang ninth place finish sa FI­BA 3x3 Under-23 World Cup sa Xi’An, China no­ong Ok­tubre ng 2018

Tinulungan ni Rivero ang UP Fighting Maroons sa fourth-place fi­nish sa UAAP 3x3 men’s tournament.

Si Amsali ang na­nguna para sa San Beda Red Lions sa runner-up finish sa NCAA 3x3 tournament.

Nakita si Abarrientos sa level-4 tournament Smart SBP 3x3, samantalang ito ang magiging debut ni Ebona sa 3x3 event.

Kailangang manguna ang tropa sa Group A sa qualifiers para umabante sa main tournament.

Kasama ng Gilas Pi­lipinas sa nasabing gru­po ang Qa­tar, Iran, Samoa at Thailand.

Ang first place team sa pool ang maglalagay sa kanila sa Group B kasama ang mga naghihintay na top teams na China at New Zealand.

Sa women’s division, sina Jack Animam, Afril Bernardino, Janine Pontejos at Clare Castro ang magsusuot ng uniporme ng Gilas Pilipinas 3x3 team.

Sila ay gagabayan ni multi-titled mentor Pat Aquino.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with