^

PM Sports

Abot-kamay na ng Warriors

Pang-masa
Abot-kamay na ng Warriors

PORTLAND, Oregon — Isang panalo na lang ang layo ng Golden State Warriors para sa kanilang pang-limang sunod na NBA Finals appearance.

Humakot si Draymond Green ng triple-double sa kanyang tinapos na 20 points, 13 rebounds at 12 assists para akayin ang Warriors sa 110-99 paggupo sa Trail Blazers sa Game Three ng kanilang Western Conference championship series.

Ito ang pang-pitong career postseason triple-double ni Green.

Humataw naman si Stephen Curry ng 36 points para sa 3-0 bentahe ng Golden State sa kanilang best-of-seven series ng Portland.

Nakatakda ang Game 4 sa Lunes.

Pinamunuan ni CJ McCollum ang Blazers, nagposte ng 18-point lead, 60-42, sa second period,  sa kanyang 23 points, habang may 18 markers si Damian Lillard.

Nag-ambag si Me-yers Leonard ng 16 points kasunod ang 12 markers ni Evan Turner.

Mula sa 53-66 agwat sa halftime ay kumamada ang Warriors sa third quarter para agawin ang 82-79 bentahe papasok sa fourth period.

Ang three-pointer ni Curry ang nagbigay sa Golden State ng 98-87 kalamangan sa huling limang minuto ng laba-nan na hindi na naputol ng Portland.

Ang Game Three ang unang conference finals game sa Portland sapul noong 2000 kung saan inangkin ng Los Angeles Lakers ang serye sa paggiba sa Blazers sa Game Seven.

Ito ang ika-11 kabiguan ng Portland sa 12 playoff games nila ng Golden State sa huling apat na seasons.

Wala pang koponan ang nakabalik mula sa 0-3 deficit sa playoffs.

Tatlong serye lamang ang naitulak sa Game Seven matapos kunin ng isang koponan ang 3-0 lead.

vuukle comment

WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with