Lakia Bright
BanKo Perlas sasandal pa rin kay Bright
Chris Co (Pang-masa) - May 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling ipaparada ng BanKo Perlas Spikers si scoring-machine American outside hitter Lakia Bright sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na magsisimula sa Mayo 26 sa The Arena sa San Juan City.

Makakasama ni Bright si Turkish middle blocker Yasemin Sahin Yildirim bilang reinforcement ng Perlas Spikers.

Nasa bansa na sina Bright at Yildirim na nakapanood pa ng live sa Game 3 ng UAAP Season 81 championship game ng Ateneo de Manila University at University of Santo Tomas noong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang ikalawang sunod na taon na masisilayan si Bright sa PVL.

Naging bahagi na ito ng Perlas Spikers noong nakaraang taon kasama si Thai outside hitter Jutarat Montripila kung saan nagtapos sa ikatlong puwesto ang BanKo Perlas sa Reinforced Conference.

Tahimik ang pagkilala ng mga miyembro ng Perlas Spikers kay Bright.

Ngunit nagbabago ito sa oras na tumapak sa court kung saan inilalabas nito ang halimaw na porma para makalikom ng malalaking puntos.

“Dati masyado siyang tahimik hindi siya nagsasalita kapag hindi mo kinakausap. Ganun pala talaga siya. Gusto niya tahimik lang siya para makapaglaro siya ng maayos,” ani BanKo Perlas head coach Dong Dela Cruz sa kanyang mga naunang panayam.

Aariba sina Bright at Yildirim kasama ang local aces na sina Joy Dacoron, Dzi Gervacio, Nicole Tiamzon, Suzanne Roces at Kathe-rine Bersola.

Unang makakasagupa ng BanKo Perlas ang BaliPure Water Defenders sa Mayo 29 sa The Arena.

BANKO PERLAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with