Lady Eagles kampeon
Francisco Cagape (Pang-masa) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangailangan lamang ng tatlong sets ang Ateneo Lady Eagles upang muling pataubin ang University of Santo Tomas Tigresses, 25-17, 25-22, 25-22 kahapon sa Season 81 UAAP women’s volleyball championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagpakita uli ng tibay ng loob sina Maddie Madayag, Kat Tolentino, Bea De Leon, Deanna Wong, Ponggay Gaston, Jules Samonte at Dani Ravena sa do-or-die battle para tapusin ang best-of-three finals sa 2-1 at angkinin ang kanilang ikatlong women’s volleyball title sa harap ng bagong record 21,347 crowd.

Nagwagi rin sa straight sets ang Tigresses,  25-17, 25-16, 25-20 sa Game 1 noong Mayo 11 sa Araneta Coliseum, pero bumawi naman sina Tolentino, Madayag at Ravena sa Game 2 (26-24, 14-25, 25-21, 25-15) noong Miyerkules sa MOA Arena.

Ang mga graduating players na sina Madayag at De Leon ay kasama rin sa huling kampeonato ng Lady Eagles noong 2015 na pinangunahan nina Alyssa Valdez at Denden Lazaro. Sa taong ito, nahirang si De Leon bilang Finals MVP.

“I just believe in God’s plan. This is part of God’s plan. For us to win this championship, it’s because of Him, Our real weapon really is faith, trust and courage,” ayon kay Ateneo coach Oliver Almadro na natamo ang kanyang ikaapat na championship crown sa UAAP kabilang na ang tatlo sa men’s division.

Umani si Tolentino ng 15 puntos kabilang na ang 11 sa atake, dalawang blocks at dalawang aces habang si Madayag ay tumulong ng 10, anim nito mula sa atake at apat na blocks at tig-anim na puntos naman sina De Leon at Samonte.

Tumapos ng 18 puntos ang Season MVP at graduating na si Sisi Rondina kabilang na ang 17 atake at isang block na may kasamang 11 digs at pitong excellent receptions habang ang Rookie of the Year na si Eya Laure ay umiskor ng 10 puntos para sa Tigresses.

LADY EAGLES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with