Nabong, Tubid kakausapin ni Comm. Willie
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang kausapin ni Commissioner Willie Marcial ang lahat ng sangkot na personalidad sa Spiderman incident na gumulo sa 2019 PBA Phi-lippine Cup Finals na katatapos lang nitong Miyerkules.

Kabilang na nga dito ang dalawang manlalaro ng San Miguel Beer na sina Ronald Tubid at Kelly Nabong.

“Kakausapin ko sila sa Miyerkules,” ani Marcial.

Nauna nang itinakda ni Marcial ang dayalogo pagkatapos ng Finals su-balit naurong ito hanggang sa susunod na Miyerkules dahil iniipon at pinag-aaralan pa ng liga ang mga videos at ebidensya ng naturang insidente.

Magugunitang noong Game 5 ng 2019 PBA Philippine Cup noong nakaraang Biyernes sa Smart Araneta Coliseum, umeksena sa center court ang fan na nagdamit Spiderman.

Natigil ang laro sa 3:06 marka ng fourth quarter na nagresulta rin sa pagkakabagsak ni June Mar Fajardo na tinamaan ng streaker na kinilalang si Paolo Felizarta.

Dahil sa pagtumba ni Fajardo, sumaklolo si Tubid na hinabol ang noon ay hawak na ng security na si Felizarta hanggang sa tunnel ng Big Dome kung saan nakakonekta siya ng suntok sa naturang streaker.

Humingi na ng paumanhin si Tubid sa kanyang aksyon at handa aniya na tanggapin ang anumang parusa na kapalit nito.

Sa kabilang banda, napaulat din na maging si Nabong ay nakaaway din ang hinihinalang kasabwat ni Felizarta sa court kaya’t ipapatawag din siya ni Commissioner Marcial.

Samantala, nakalaya na si Felizarta kamakalawa matapos magpiyansa sa mga kasong naisampa sa kanya tulad ng alarm and scandal at unjust vexation.

WILLIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with