Lady Eagles o Tigresses?
Francisco Cagape (Pang-masa) - May 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala ng ibang bukas pa para sa Ateneo Lady Eagles at University of Santo Tomas Tigresses sa kanilang pagtatagpo ngayon sa winner-take-all para sa Season 81 UAAP women’s volleyball title sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang top seed na Lady Eagles at second seed na Tigresses ay tabla sa 1-1 sa best-of-three Finals kaya inaasahan ang mainit na laban sa kanilang paghaharap sa deciding Game 3 ngayong alas-3:30 ng hapon.

Target ng Tigresses nina graduating Sisi Rondina at rookie Eya Laure ang pang-17th titulo habang asam naman ng mga kapwa graduating din na sina Bea de Leon, Maddie Madayag at Kim Gequillana ang ikatlong korona para sa Katipunan-based team.

Winalis ng Tigresses ang Lady Eagles, 25-17, 25-16, 25-20 sa Game 1 noong Mayo 11 sa Araneta Coliseum ngunit bumawi naman sina Kat Tolentino, Madayag at Dani Ravena sa Game 2 (26-24, 14-25, 25-21, 25-15) noong Miyerkules sa MOA Arena.

Huling nagkampeon ang Tigresses noon pang 2010 sa panahon nina Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz at Aiza Mazo-Pontillas habang back-to-back champion naman ang Ateneo nina Alyssa Valdez, Dindin Lazaro at Amy Ahomiro noong 2014 at 2015.

”Sabi ko sa kanila, ‘di tayo susuko. ‘Di pa natin nakukuha ‘yung pangarap natin.’ Di tayo talo, kasi nanalo tayo nu’ng Game 1, so Game 3, last na. Ibuhos na natin lahat,” sabi ni 2019 MVP Rondina na umiskor ng 22 puntos, 16 digs at walong excellent receptions sa Game 2.

Matapos sa kanilang panalo sa Game 2, muling tumaas ang kumpiyansa ng Lady Eagles sa pagharap sa Tigresses na tinalo rin nila ng dalawang beses sa elimination round.

“Wala namang makakatalo sa amin if we play happy and we follow coach Oliver Almadro’s ins-tructions. Pumasok talaga sa isip namin na this is our last game kaya lalaban talaga kami,” ayon naman kay Madayag na umukit ng panibagong UAAP record na 11 blocks sa laro nila kontra sa Tigresses sa second round elimination noong Marso 20. Ang dating record ay 9 blocks ni Celine Hernandez ng DLSU.

Dahil sa iniindang mild left ankle sprained ng 19-anyos na Season 81 Rookie of the Year na si Laure, inaasahan ding mag step-up sina Ysabel Jimenez, Caitlyn Viray, Dimdim Pacres, Alina Bicar at Maria Fe Galanza para sa tropa ni coach Kungfu Reyes.

Muli namang sasandal si  Ateneo coach Oliver Almadro kina Tolentino, Ravena, Madayag, De Leon, Gequillana, Jules Samonte, Ponggay Gaston, Deanna Wong at Jaja Maraguinot.

UAAP VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with