Ang UAAP Rookie of the Year na si Eya Laure ng UST.
Russell Palma
Laure tutuparin ang pangako sa USTE
Francisco Cagape (Pang-masa) - May 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangako si 2019 Rookie of the Year Eya Laure na maglalaro sa Game Three bukas upang tuparin ang hangaring angkinin ang titulo para sa University of Santo Tomas Tigresses sa Season 81 UAAP women’s volleyball championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Sa susunod na laro maaasahan n’yo magpapa­ga­ling ako para sa Game Three,” sabi  ng 19-an­yos na si Laure matapos ang 24-26, 25-14. 21-25, 15-25 pagkatalo ng Tigresses sa mga kamay ng Ateneo Lady Eagles sa Game Two ng best-of-three championship series noong Miyerkules.

Matapos sa kanilang pagkatalo sa Game Two ay nagtabla sa 1-1 ang top seed na Ateneo at second seed na UST.

Kaya naman hindi na iniisip ni Laure ang na­tamong mild left ankle injury basta lamang ma­kuha ang pang-17 na women’s crown para sa Es­paña-based team.

 “Maraming nagmo-motivate sa akin na pagsu­bok lang ito na hindi dito natatapos eh. Kaya nga may Game Three pa ‘di ba? Para sa akin, pagsubok lang ito na dapat lagpasan para manalo, pagsubok lang ito na dapat malagpasan para makamit ‘yung gusto mong makuha and for me naman babangon at babangon talaga kami at hindi ako susuko ng ga­nun-ganoon lang,” dagdag pa ni Laure.

Nakakalakad pa ang anak ni dating PBA stalwart na si Eddie pagkatapos ng pagkatalo ng UST na walang alalay.

Ngunit ang kanyang kaliwang bukung-bukong ay nakabalot ng tape.

“Ngayon, masakit talaga siya, kaya iyeyelo ko na lang siya,” dagdag ni Laure na tumapos na may 10 points sa Game Two at 11 markers naman sa Game One kung saan tinalo nila ang Lady Eagles via straight sets, 25-17, 25-16, 25-20, noong Mayo 11 sa Smart Araneta Coliseum.

“Pinilit ko talaga na bumalik pero wala eh, kumapos din talaga. Ginawa ko na lahat na puwede kung gawin pero wala, masakit nga,” pahayag ni Laure na naglalaro pa rin hanggang sa mga huling minuto ng laban kung saan lumamang ng 10 points ang Ateneo sa fourth set.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with