Ang pagdiriwang ng mga Beermen.
Jun Mendoza
Austria pinasalamatan ang kanyang mga players
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - May 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Sa mga players, ma­raming, maraming sala­mat sa inyo. Nagmukha akong magaling na coach dahil sa inyo.”

Ito ang pahayag ni San Miguel mentor Leo Austria sa kanyang mga magigiting na manlala­ro matapos itakas ang ka­hindik-hindik na 72-71 pa­nalo kontra sa Magno­lia sa Game Seven ng 2019 PBA Philippine Cup Finals kamakalawa ng gabi sa Smart Araneta Co­liseum.

Bunsod nito ay nasik­wat ng Beermen ang ma­kasaysayang ‘five-peat’ All-Filipino conference championship para sa ika-26 kabuuang titulo upang patibayin ang posisyon bi­lang pinakamatagum­pay na prangkisa sa PBA.

Para kay Austria, ito na ang kanyang pang-pi­tong kampeonato buhat nang magsimulang ma­ging coach ng SMB no­ong 2014.

Bagama’t hindi kaila na malaki ang ambag sa pag­kamal ng Beermen ng mga kampeonatong iyon, hindi naiwasan ni Austria na bigyan ng pagpupugay ang kanyang mga bataan na ginagawang mas madali ang kanyang trabaho bilang head coach.

“I’m so thankful for the players. We had lot of challenges and now we’re making a lot of history,” ani Austria kina Finals MVP June Mar Fajar­do, Arwind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Terrence Romeo at Christian Standhardinger.

 Isinantabi naman ni Austria ang kanyang pag­bibiro nang amining hindi niya inakalang magiging San Miguel coach, PBA coach at ‘five-peat’ All-Filipino Cup champion si­ya lalo at sa collegiate at amateur level lang siya nag­silbi.

“I never imagined this kind of success. I never thought that this will happen,” pahayag ni Austria. “I ne­ver thought of beco­ming a PBA head coach, a San Miguel coach. I ne­­ver thought that we will win 5-peat under my tu­telage but God is really good.”

Sa kabila nito, nagbi­gay-pugay pa rin si Aus­tria kay Chito Victolero at sa Magnolia na muntikan nang makasilat at mapigilan ang limang sunod na All-Pinoy championship ng SMB.

“Allow me to congra­tulate Magnolia for bri­nging the best in us. Hindi ako makapaniwala na na­­kalusot kami,” dagdag ni Austria.

LEO AUSTRIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with