Bawal magpahinga!
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - May 17, 2019 - 12:00am

Pagkatapos maglaba, nakatakda agad silang mag­linis ng bahay at pagkatapos ay magluluto ng makakain.

No rest for the weary.

Ito ang kahaharapin ng mga manlalaro ng PBA dahil agad silang magsasalpukan sa PBA Commissioner’s Cup pagkatapos na pagkatapos lamang ng Philippine Cup.

Tatlong araw lang magpapahinga ang PBA, at ba­lik-laro uli sa pagsisimula ng second conference sa Linggo sa MOA Arena.

Ito ay para matugunan ang pangangailangan ng Gilas Pilipinas ng window period upang makapag-prepara para sa parating na FIBA World Cup sa Chi­na.

Dahil na-out na ang Denver Nuggets sa NBA playoffs, pahinga na si Nikola Jokic at maaari nang makikonekta sa kanyang Serbian team na isa sa mga haharapin ng Gilas Pilipinas sa world meet.

Paano haharapin ni five-time PBA MVP winner June Mar Fajardo si Jokic? Ito ang mga katanungan sa imahinasyon ng Filipino cage fans.

Aminado naman si Gilas coach Yeng Guiao na matalo lang ng dikit ang score kontra Serbia ay happy na siya.

Ang tingin ni Guiao na posibleng silatin ng Team Phl ay Angola at Italy.

* * *

Sa katatapos na PBA all-Filipino conference, walang silat na nangyari dahil nilusutan ng mga Beer­men ang matigas na pakikibaka ng Magnolia Hot­shots.

Maituturing na isa sa pinakamalaking upset sa­na sa PBA kung nasingitan ng Hotshots ang Beermen.

Tignan na lamang ang powerhouse roster ng SMB na lalong naging powerhouse sa karagdagan nina Terrence Romeo at Christian Standhardinger.

Nasa bingit ng alanganin ang laban hanggang sa mga huling segundo kung saan hindi naikana ni Jio Jalalon ang tutok na tira.

Kaya’t nanatiling All-Filipino champ ang San Miguel sa ika-limang sunod na taon.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with