Magnolia ‘di dapat mahiya kahit natalo sa title series
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - May 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang dapat ikahi­ya ang Magnolia kahit kina­pos sa pagsilat sa San Mi­guel sa Game Seven ng 2019 PBA Philippine Cup Final.

Matapos kasing luma­mang ng hanggang 17 puntos sa simula, tumirik ang Hotshots sa dulo patungo sa masakit na 71-72 kabiguan sa Beermen.

Nagkaroon ng ma­ra­ming tsansa ang Magnolia upang maagaw ang kampeonato sa SMB su­balit hindi lang talaga pumabor sa kanila ang tad­hana.

“It’s the breaks of the game. We managed to stay close and had a chance in the end. The good thing there is we had a chance. We had op­portunities to win the ballgame. But you know, its the breaks of the game,” ani coach Chito Vic­tolero.

“Credits also to SMB. They worked hard for this game,” dagdag nito.

Hindi naman ibig sa­bihin ng pagkatalo ay da­pat yumukod na ang Mag­nolia lalo’t nalagpa­san nila ang ekspektas­yon ng karamihan lalo na ng kanilang mga kriti­ko na hindi inakalang ma­kakapu­wersa sila ng Game Seven.

“Lahat wala namang na­niniwala na makaka-abot kami sa Game Se­ven. Some of you are thinking that this is a sweep, 4-1, or maybe 4-2. But you know, on our circle, sa amin, kami naniniwala kami na we can do it. That’s our battlecry: believe,” aniya.

“Pagka-tiningnan mo ‘yung conference namin, it was magnificent. So there’s nothing to be ashamed of,” dagdag pa nito.

Dahil dito, tiwala si Vic­tolero na mas mala­kas, mas matibay, mas ma­utak at mas magaling na Hotshots ang babalik sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

2019 PBA PHILIPPINE CUP FINAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with