Ariana Dormitorio
2020 Olympic berth target ni Dormitorio
(Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang mahala­gang torneo ang lalahukan ni champion rider Aria­na Dormitorio sa ha­ngaring makakuha ng tiket sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Sasabak ang 22-an­yos na si Dormitorio sa 2019 sa Asian Mountain Bike Continental Championship sa Lebanon kasunod ang paglahok sa 30th Southeast Asian Games na pamamahalaan ng bansa sa Nobyembre.

Lalahok si Dormitorio sa Olympic qualifier sa Lebanon sa Hulyo 25-28 kung saan ang pag-angkin niya sa gold me­dal ang mangangahu­lugan ng pagkakaroon ng bansa ng unang Filipina cyclist sa Summer Games.

Muling makakaharap ni Dormitorio ang pa­rehong mga riders na nakalaban niya noong 2018 Asian Games sa In­donesia.

“This will be a very cru­cial year because all of the things that we’ve really worked hard for, ito na iyon. Ito na ‘yung final stretch to get there. We’re real­ly looking forward to the Olympic quali­fying, and especially din sa SEA Games kasi it’s going to be the first in my whole career,” sabi ni Dormitorio sa Philippine Sportswri­ters As­so­ciation Forum sa Amelie Hotel-Ma­nila noong Martes.

Paboritong manalo ang Filipina sa mountain bike event, kundi la­mang siya sumemplang sa second lap ng nasabing five-lap race na nagresulta sa pagkakasibak niya sa medal race.

Makakatapat ng three-time former Asian Mountain bike Series queen ang mga Asiad top riders ng China, Japan, Iran at Kazakhstan.

2020 OLYMPIC GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with