Hinarangan nina Maddie Madayag at Deanna Wong ng Ateneo ang spike ni UST rookie Eya Laure.
Russell Palma
Lady Eagles pinuwersa ang ‘winner-take-all’
Francisco Cagape (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Niresbakan ng Ateneo Lady Eagles ang UST Tigresses, 26-24, 14-25, 25-21, 25-15, sa Game Two para itabla ang kanilang title series sa Season 81 UAAP wo­men’s volley­ball championship ka­ha­pon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matikas na laro ang ipi­nakita nina Maddie Ma­­­­dayag, Kat Tolentino, Dean­na Wong, Bea De Leon, Jules Samonte at Dani Ra­vena para putulin ang seven-game winning streak ng Tigresses at itulak ang ‘do-or-die’ battle sa Sabado.

Nagtala si Madayag ng 17 points kabilang ng 10 attacks, 4 blocks at 3 aces upang gumanti sa ka­­­nilang 17-25, 16-25, 20-25 pagkatalo sa Tig­res­ses sa Game One.

Nagdagdag ng 12 ex­cellent receptions at 22 excellent digs si Ravena para sa Lady Eagles.

“Pagkatapos ng Game One, nag-uusap kami at nangakong we have to go all-out sa Game Two. Sabi namin lalaban tala­ga kami. We asked ourselves why we are here and what we are up to. So, we were in one common view that we have to play and win the cham­pionship for Ateneo,” ani Ravena.

Samantala, nasungkit ng Natio­nal University Bulldogs ang ikaapat na men’s title matapos walisin ang FEU Tamaraws, 24-26, 25-23, 25-23, 25-19.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with