Ang pagkakaroon ni Kevin Durant ng Warriors ng strained right calf.
Durant hindi maglalaro sa Game 1 at 2
(Pang-masa) - May 15, 2019 - 12:00am

Sa pagsagupa ng Warriors sa Blazers sa Finals

OAKLAND, Cali­for­nia — Sa pagsagupa ng Golden State Warriors sa Portland Trail Bla­zers sa Game One ng Western Confe­rence Finals ay hndi nila makukuha ang serbisyo ng ka­nilang top scorer.

Dahil sa natamong strained right calf ay hin­di maglalaro si Ke­vin Durant sa Games One at Two ng confe­rence fi­nals.

Ang injury ay naku­ha ni Durant sa Game Five ng semis showdown ng Warriors laban sa Houston Rockets.

“Everyone needs to slow down a little bit on the Kevin stuff. He hasn’t even stepped on the floor yet,” sabi ni Golden State head coach Steve Kerr isang araw bago ang Game One.

Pinanood ni Durant mu­la sa kanyang bahay sa Bay Area ang pag­sibak ng Warriors kay James Harden at sa Rockets sa Game Six ng Western Conference se­mifinals series.

Ipinakita ng Golden State na kaya nilang ma­nalo kahit wala si Durant.

Humataw si Stephen Curry ng 33 points sa second half para ipanalo ang Warriors laban sa Rockets.

Muling makakatuwang ni Curry ang kanyang ‘Splash Brother’ na si Klay Thompson sa pagsagupa ng two-time defending champions la­ban sa Blazers sa con­fe­rence finals.

Ang matinding backcourt tandem naman ni­na Damian Lillard at CJ McCollum katuwang si Seth Curry, ang naka­kabatang kapatid ni Ste­phen, ang babandera pa­ra sa Portland.

“For them, it’s fami­ly and parents who supported us all the way through the ranks,” ani Ste­phen sa pagsagupa ni­ya kay Seth. “Now to be in a situation like this where I guess it’s tech­nically a win-win for them, they’re going to the finals regardless, but it’s kind of crazy to think we’re all on this stage and get to play in front of our family and just the amount of happiness and joy that comes with that is crazy.”

Nauna nang winalis ng Warriors ang Blazers sa first round dalawang season na ang nakaka­raan.

Malaking tulong sa­na para sa Golden State kung makakalaro si big man DeMarcus Cou­sins.

Ipinagpapatuloy ni Cou­sins ang pagpapa­galing sa kanyang torn left quadriceps muscle na nalasap niya sa Game Two sa first round ng bak­bakan ng Warriors at Los Angeles Clippers.

KEVIN DURANT NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with