Huling hirit sa playoffs ang hangarin ng Ma­­rinerong Pilipino sa krusyal na pakikipagsa­gupa sa sibak nang Perpetual papasok sa huling bahagi ng 2019 PBA-Developmental League sa Ynares Sports Arena sa Pasig Ci­ty.
Marinero hangad ang playoff berth
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - May 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Huling hirit sa playoffs ang hangarin ng Ma­­rinerong Pilipino sa krusyal na pakikipagsa­gupa sa sibak nang Perpetual papasok sa huling bahagi ng 2019 PBA-Developmental League sa Ynares Sports Arena sa Pasig Ci­ty.

Aarangkada ang ak­syon ngayong alas-2 ng hapon kung saan su­su­ngkit ng panalo ang Skippers upang ma­panati­ling buhay ang pag-asang makasabit sa top four ng Foundation Group.

Sa ngayon kasi ay na­sa ika-lima hanggang ikaanim na puwesto ang Marinero katabla ang Di­liman College hawak ang parehong 4-4 kar­tada.

Nasa unahan lang ni­la ang ikaapat na FEU na may 5-3 baraha na siyang nais sana ng Marinero na sibakin sa puwesto kung magwawagi kontra sa Altas.

Kung matatalo ay mag­­papaalam na sa kon­tensyon ang Skippers.

“At least ‘yung chance nandiyan pa. Ka­ilangan na lang na­ting makuha ito dahil ‘yung chance wala na sa kamay namin,” sabi ni head coach Yong Garcia matapos ang 88-85 pa­nalo ng Marinerong Pilipino kontra sa Met­ro­pac-San Beda sa overtime.

Upang magawa iyon ay sasandal si Garcia sa mga bago niyang manlalaro na sina Rian Ayonayon, Jhonard Clarito at Gab Banal na tumulong kay Santi San­tillan sa kanilang krus­yal na panalo laban sa Movers.

Sa isa pang laro ay tangka naman ng Centro Escolar University (6-1) na masiguro ang top seed ng Foundation Group sa pakikipagtuos kontra sa Wangs Basketball (3-5) sa alas-4 ng hapon.

“We need to toughen up and learn how to be a better team,” ani mentor Derrick Pumaren.

Aatasan ni Pumaren ang import na si Maodo Malick Diouf kasama si­na Judel Fuentos at Kea­nu Caballero.

2019 PBA-DEVELOPMENTAL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with