San Miguel o Magnolia?
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - May 14, 2019 - 12:00am

Lucky bounce.

Iyan ang malaking break na napunta sa Toronto Raptors at naghatid sa kanila sa NBA Eastern Conference finals kontra sa top seed Milwaukee Bucks kahapon.

Nagbabanta na ang overtime play nang ibato ni Kawhi Leonard ang isang “bahala-na-si-Batman” attempt na short sa target.

Pero tumama sa ring at tumalbog pataas. At tatlong beses pa itong tumalbog sa ring bago pumasok para durugin ang mga puso ng Philadelphia Sixers.

Dahil sa suwerteng basket na iyon, nilusutan ng Raptors ang Sixers, 92-90, sa do-or-die Game Seven sa kanilang playoff match-up.

****

Marami na rin naman nasaksihan na parehong bagay sa NBA man o sa ating sariling pro league.

Sa kasalukuyang PBA Philippine Cup finals, pinaka-exciting na ang Game Five kung saan bu­mi­rada si Mark Barroca ng buzzer-beater upang ilu­sot ang Magnolia Hotshots sa 88-86 panalo.

Parang ping-pong match ang serye kung saan palitan ng panalo ang dalawang koponan na parehong nasa ilalim ng SMC umbrella. Kaya’t hindi masawata ang bulungan na nagbibigayan ata ang mga Beermen at Hotshots.

Pero idinidiin ng lahat ng involved sa serye na hindi pwedeng mangyari iyon dahil pinaglalaba­nan nila ang winning bonuses na iuuwi nila sa ka­nilang pamilya.

Tunay na magkakaalaman na bukas sa kanilang pag­tutuos sa winner-take-all match.

Habol ng San Miguel ang ikatlong Game Seven victory sa huling limang PBA all-Filipino finals.

Focus naman ang Magnolia na basta manalo upang muling masungkit ang Philippine Cup crown na huli nilang napanalunan noong 2014.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with