Hinatawan ni Sisi Rondina ng Tigresses si Maddie Madayag ng Lady Eagles sa Game One.
PM photo ni Ernie Peñaredondo
Lady Eagles reresbak sa Tigresses sa Game 2
Chris Co (Pang-masa) - May 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang nakasakay sa alapaap ang buong komunidad ng University of Santo Tomas matapos makuha ang Game One ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament best-of-three championship series ay tahimik naman ang kampo ng Ateneo de Manila University.

Abala ngayon ang coa­ching staff ng Lady Eagles upang bumalang­kas ng solidong plano dahil desidido ang Katipunan-based squad na makaresbak at makapu­wersa ng rubber match sa kanilang serye.

Ayaw munang mag­sa­lita ni Ateneo mentor Oliver Almadro.

Nais niyang isentro ang atensyon sa pagbuo ng magandang plano upang muling makalipad ang Lady Eagles sa Game Two.

Tanging ang hiling ni­to ay panalangin na uma­­bot sa Game Three ang serye.

“Pray for us na may Game Three, mas ma­ganda kung may Game Three,” ani Almadro.

Depensa ang pangu­nahing tututukan ng Ate­neo partikular na kay UST ace at season MVP Sisi Rondina na bumulusok nang husto upang buhatin ang Tigresses sa 25-17, 25-16, 25-20 panalo sa series ope­ner noong Sabado.

Hirap ang Lady Eagles na pigilan ang 5-foot-6 outside hitter kung saan nagtala si Ron­dina ng kabuuang 23 points.

Dominado ng UST ang attack line matapos magtala ng 46 spikes kumpara sa 24 lamang ng Ateneo, habang nakakuha rin ang Tigres­ses ng 10-1 edge sa service area.

Kailangan ng Lady Eagles ng solidong laro mula kina middle hitter Maddie Madayag at Bea De Leon na siyang magba­ban­tay kay Ron­di­na.

Tanging si opposite hitter Kat Tolentino lamang ang nakagawa ng double figures para sa Ateneo tangan ang 12 hits, habang nagkasya si­na Madayag at De Leon sa pinagsamang 10 markers, walo naman galing kay Jules Samonte at isa mula kay Ponggay Gaston.

Alam ni Tigresses head coach Kungfu Re­yes na reresbak ang La­dy Eagles.

Ngunit handa itong tapatan anumang bombang ibabato ng Ateneo.

“We’ll immediately get back to the drawing board,” ani Reyes.

 

LADY EAGLES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with