Sports personalities matitimbang sa eleksyon
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - May 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Titimbangin ngayon at masusukat ang mga ki­lalang sports persona­lities sa kanilang pagsu­bok na mahalal sa mid-term elections.

Lokal na puwesto ang tangka ng kabuuang 25 na kandidato mula sa sports industry ayon sa datos ng Commission on Elections.

Ang pinakakilala ri­to ay si Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na magtatangkang manalo bilang ki­natawan ng ika-limang distrito ng Pampanga sa Kongreso.

Kalaban ni Guiao, ang tumatayong head coach din ng NLEX sa PBA, ang independent candidate na si Bernadette David gayundin ang incumbent Congressman na si Carmelo Lazatin ng PDP na siyang tumalo sa kanya noong eleksyon tatlong taon na ang nakakaraan.

Bilang Alkalde naman ng Bulakan, Bulacan ang tinatakbuhang posisyon ng PBA legend at dating coach ng Jose Rizal Heavy Bombers sa NCAA na si Vergel Me­neses.

Kalaban niya ang ka­­mag-anak na si Iñigo Meneses.

Apat pang PBA le­gends ang tumatakbo sa local positions.

Ang mga ito ay sina Dondon Hontiveros, Ato Agustin, Alvin Patrimonio at Franz Pumaren.

Tumatakbo bilang kon­sehal si Hontiveros sa Cebu City, samantalang hangad din nina Allado at Pumaren ang naturang posisyon sa Quezon City at San Juan City, ayon sa pagkaka­su­nod.

Third Nominee ng Abante Partylist naman si Patrimonio, habang si Agustin ay susubok na maging board member sa Sangguniang Panlungsod ng San Fernando, Pampanga.

Si Agustin, ang six-time PBA champion at ang 1992 PBA MVP, ang assistant ni coach Leo Austria sa San Mi­guel.

Mula naman sa bo­xing ring ay sa city hall naman ang tatangkain ni Buboy Fernandez, ang chief trainer ni Manny Pacquiao.

Lalaban si Fernandez bilang Vice Mayor ng Polanqui, Albay.

First nominee naman ng OFW Family Party­list ang kapatid ni Pacquiao na si Bobby.

 

SPORTS PERSONALITIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with