Ang jumper ni Jimmy Butler ng 76ers laban kay Raptors’ guard Kyle Lowry sa Game Six.
76ers at Blazers humirit ng game 7
(Pang-masa) - May 11, 2019 - 12:00am

PHILADELPHIA — Lahat ng 76ers ay gustong resbakan ang Toronto Raptors.

Kumamada si Jimmy Butler ng 25 points para pa­munuan ang Philadelphia sa 112-101 pagresbak sa Toronto sa Game Six at puwersahin ang Game Seven sa kanilang Eastern Conference semifinals series.

“I play to win,” sabi ni Butler. “Right now, this is what I have to do in order to give us a great chance at winning.”

Itinabla ng 76ers ang kanilang best-of-seven se­mifinals series ng Raptors sa 3-3.

Ang Game 7 ay gagawin sa Toronto.

Nagdagdag naman si All-Star guard Ben Simmons ng 21 points para ibangon ang Philadelphia sa pag­masaker ng Toronto sa kanila sa Game Five.

“It was amazing focus. Everybody was locked in,” ani Simmons. “We knew what was at stake.”

Humakot si center Joel Embiid, may problema sa kanyang tuhod, ng 17 points at 12 rebounds sa loob ng 35 minutong paglalaro para sa 76ers.

Umiskor si Butler, nagmula sa Minnesota Timber­wolves, ng 19 points sa first half para akayin ang Phi­ladelphia sa 58-43 abante.

Ang baseline three-point shot ni JJ Reddick ang nagbigay sa 76ers ng 104-84 bentahe sa huling 4:23 minuto ng fourth quarter.

Mula dito ay hindi na nakalapit ang Raptors.

Nagtala naman si All-Star forward Kawhi Leo­nard, umiskor ng 30-plus points sa limang laro laban sa 76ers, ng 29 points para sa Toronto.

Nagdagdag sina Pascal Siakam at Kyle Lowry ng 21 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa Portland, nagpasabog si Damian Lillard ng 32 points, kasama dito ang 17 sa third period, para akayin ang Trail Blazers sa 119-108 paggupo sa Denver Nuggets sa Game Six sa kanilang semifinals duel.

Nag-ambag si CJ McCollum ng 30 points para sa Portland, habang may career playoff-high na 25 markers si Rodney Hood mula sa bench.

Ang Nuggets ang mamamahala sa Game Seven laban sa Trail Blazers.

Ang mananalo ang haharap sa magwawagi sa pa­gitan ng two-time defending champions na Golden State Warriors at Houston Rockets.

76ERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with