May kulang pa sa Northport
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - May 10, 2019 - 12:00am

Tatlong alas ng NorthPort--Sean Anthony, Stanley Pringle at Moala Tautuaa--ang kumopo ng top five sa stats race ng nakalipas na Best Player of the Conference derby.

Ang malungkot, hindi nakalagpas sa quarterfinal round ang koponan at tumapos na No. 7 sa 2019 PBA Philippine Cup.

Ibig sabihin lang na hindi maganda ang balanse o kulang sa lalim ang bench ng koponan ni NorthPort coach Pido Jarencio.

Aminado naman si NorthPort team owner Mikee Romero (representante ng 1-Pacman party list) na malayo pa ang kailangang tahakin ng kanyang koponan at ng iba pang ball clubs upang mabago ang balanse ng liga na kasalukuyang dominado ng San Miguel Beer, Barangay Ginebra at Magnolia.

Ito ang tunay na kaso o ang kasalukuyang pangyayari sa all-Filipino tourney.

Maaaring mabago ang sitwasyon sa Commissioner’s Cup at Governors’ Cup kung mayroong koponang makaka-jackpot ng mga super imports na gaya nina Billy Ray Bates o Tony Harris.

Kung hindi, malamang na ang tatlong SMB ball clubs pa rin ang liyamado sa labanan sa kampeonato.

* * *

Sa pagsungkit naman ni June Mar Fajardo ng ika-anim na sunod na all-Filipino Best Player of the Conference award, malamang na kasunod na nito ang paghugot niya ng ika-anim na sunod na MVP award.

Maaari lang masilat si Fajardo kung may isang manlalarong makapagpakita ng dramatikong performance sa dalawang import-laden conferences.

Pero mukhang malabo ito dahil si Fajardo pa rin ang inaasahang mananalasa sa dalawang susunod na komperensya.

PBA PHILIPPINE CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with