Oh Romeo!!!!
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - May 7, 2019 - 12:00am

Eto na naman ang episode ni Terrence Romeo pagkatapos muling makitaan ng hindi magandang eksena sa playing court sa Game Two ng Magnolia-San Miguel Beer championship series.

Matapos tawagan ng technical foul, mainit na inilaban ni Romeo ang kanyang kaso kaya nabigyan uli ng technical infraction na ikinagalit na sa kanya ni SMB top official Robert Non.

Aminado si Romeo na pinagwalang bahala niya kung ano man ang sinasabi sa kanya ni Sir Robert dahil patuloy pa rin ang litanya niya sa referee.

Mabuti naman at ganoon lang ang pangyayari, hindi kagaya noong nasa GlobalPort (NorthPort ngayon) siya kung saan nakipagbangayan siya kay coach Pido Jarencio sa harap ng mga fans at mga camera na nakatutok sa kanila.

Ang tantiya ni coach Leo Austria ay magma-mature din si Romeo at matutunang hawakan ang mga masalimuot na pangyayari sa playing court.

Sana nga naman!

* * *

Napasinayaan at nalaruan na ang Bagbaguin Masons (House of Stones) sa Barangay Bagbaguin sa Valenzuela-karagdagan sa mga impresibong gyms na hatid ni Valenzuela District 2 Cong. Eric Martinez.

Super proud ang mga Valenzuelanons sa pagkakaroon ng mga high-class barangay courts na maihahalintulad sa mga dekalidad na gyms na practice venues ng mga PBA teams.

Namangha si NorthPort player Jonathan Grey sa kanyang pagtungtong sa House of Stones bilang special guest sa inaugurals ng 2019 Bagbaguin SK basketball tournament na hatid nina SK chairwoman Riza “Not” Beltran at ang kanyang konseho.

Patok ang event at congratulations kina Cong. Eric, SKC Not, sa kanyang mga kagawad na sina Jean Marie Perez, Nicole Estudillo, Ferlene Yutuc, Karen Pascual, Kervin Yvanez, Aner Salutan at Jimuel Perez, secretary Avelyn Alejo at treasurer Andrea Talon.

TERRENCE ROMEO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with